I don’t want to forget the things I want to do; things that put me on high. When will I ever be like this again
Practicing while at work. Best app ever. I’m indeed impressed. #anytunepro #itunesapp #ipadmini #2013 #music #techie
Filling up forms for baby lil’s day care assessment. :) soon our baby’s gonna go to school :) i hope she passes *crosses fingers*
Sa Larawan na Lang
Minsan kailangan mo lang talagang balikan/ tignan ang nakaraan para ngumiti ka ngayon o maaaring bukas. Minsan kailangan mong sariwain ang mga naranasan mo para lang maalala kung bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa.
Kanina, sa hindi ko maintindihang kadahilanan, hinanap ko ang profile ng dalawa sa tatlong taong minahal ko noon. Una kong hinanap si Dan (hindi tunay na pangalan), naging karelasyon ko ng kumulang sa isang taon; ang ikalawa naman ay si C (di tunay na pangalan), ang ‘Basha’ ng sarili kong ‘One More Chance’.
‘There are many reasons why we live in yesterday — miss it and want it back, don’t like or fear today, the memories of yesterday are more comfortable than the reality of today …’ - Kurt Smith, The Power of Thoughts
Yan yung naririnig ko sa utak ko habang tinitignan ko isa isa ang mga larawan nila. Dyan naman tayo magaling e. Sa pagsasariwa ng mga masasayang alaala. Buti na lang napanood ko yung 500 Days of Summer, kung hindi ay hindi ko maiisip ang lahat ng mga masasaklap na nangyari sa pakikipagrelasyon ko sa mga taong ito.
Wala namang perpektong relasyon at mga taong nakapaloob dito. Hindi lang talaga sila ang para sa isa’t isa kaya naman naghihiwalay sila.
Minsan, kapag naaalala ko sila, hindi ako nahihiyang tignan ulit ang mga larawan nila, naming dalawang magkasama. Walang masama roon. Hindi naman ako nanghihinayang sa sinapit ng kwento namin, bubuntung- hininga na lang ako dahil alam kong sayang kami, pero may natutunan naman ako. Mabuti na lang, may natutunan ako.
Sa balita ko ay parehas na silang may karelasyon at mukha namang masaya sila. Ako man ay masaya na rin sa karelasyon ko ngayon. Sa tingin ko, kung isang araw ay magkasalubong man kami ng daan na kasama ang mga karelasyon namin, ngingiti na lang kami sa isa’t isa. Hindi na kailangan ng kumustahan o ng pangungusap. Tamang ngiti na lang ay sapat na.










